Pitong pangunahing lansangan sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Ramon ang hindi na pinadaraanan sa lahat ng uri ng sasakyan.
Ayon sa DPWH kabilang sa mga isinara ang Kabugao Dibagat, Kabugao at Namaltugan Calanasan sa Apayao sa Cordillera Administrative Region (CAR) gayundin ang Claveria Kabugan Calanasan road at ang Apayao Ilocos Norte road at Region 1, hindi pinadadaanan ang Cape Bojeador road.
Sa Region 2 sa Cagayan hindi madadaanan ng mga saakyan ang Abusag overflow bridge sa San Joser Sta Margarita road, Baggaw, Cagayan at ang alternatibong daan ay JCT Gataran Cumao Capisatan, Sta Margarita road, Itawes bridge sa Cagayan Apayao road at sa Isabela ang Cabagan Sta Maria overflow bridge at ang mga motorista ay pinadaraanan sa daang Maharlika via Tuguegarao.
Patuloy naman ang pagku-kumpuni sa mga nasirang lansangan at mga tulay kasabay ng paglalagay ng warning sign at mga alternatibong ruta.
Sa report ng District Engineering Office kay DPWH Secretary Mark Villar isinara ang mga nasabing kalsada dahil sa pagtaas ng tubig sa mga ilog, pagguho ng lupa at pagkakaruon ng soil erosion.