Aabot sa pitong pasahero ang nailigtas matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Bongao, Tawi-Tawi.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, naglalayag patungong Lato-Lato Elementary School ang tropa ng 2nd Marine Brigade sa ilalim ng Joint Task Force Tawi-Tawi para ibiyahe ang ilang Board of Election Inspectors.
Pero napansin nila ang light signals sa Barangay Lato-Lato at nang puntahan ay nakita ang tumaob na bangka na kinakapitan ng pitong pasahero na boboto sana para sa halalan.
Agad na dinala sa 82nd Marine Corps ang pito para sa medical check-up.