Pito ang patay habang 118 pang indibidwal ang naka-confine ngayon sa ospital matapos makaranas ng diarrhea at vomiting outbreak sa Surigao del Norte.
Sa naging pahayag ni Governor Francisco “Lalo” Matugas, sumakit ang tiyan at nagsusuka ang mga biktima kung saan, punuan na ang mga ospital dahil sa epidemic sa kanilang lugar.
Ayon kay Matugas, kulang ang mga barko at bangkang ginagamit sa kanilang lugar upang maghatid ng food supplies at malinis na inumin mula sa Surigao City patungong Siargao.
Bukod pa dito, sira na din ang mga water refilling stations dahil sa pananalasa ng bayong odette kung saan, tanging dalawa na lamang ang gumaganang istasyon subalit hindi ito sapat para sa buong residente sa Isla.
Samantala, umaasa naman si Matugas na makakahiram ang kanilang lugar ng LCTO O Landing Craft Tank upang magamit sa mga bigas, canned goods, maging drinking water sa kanilang lugar. —sa panulat ni Angelica Doctolero