Patay ang 7 indibidwal habang sugatan naman ang 13 pa sa aksidente ng bus sa Mountain Highway ng Nepal, South Asia.
Ayon kay Government Administrator Shashi Dhar Ghimire, binabaybay ng naturang bus ang Laguwa Mountain Village mula sa West Kathmandu sakay ang 35 indibidwal nang maganap ang aksidente.
Inaalam pa ng mga otoridad kung ang makapal na hamog ang dahilan ng aksidente sa nabanggit na lugar. —sa panulat ni Angelica Doctolero