Pitong katao ang binawian ng buhay habang 20 ang mga sugatan sa isang islamic seminary sa Ronghiya Refugee Camp, Bangladesh.
Ayon kay Police Official Kamran Hossain, pinagbabaril at sinaksak ang mga biktima ng armadong lalaki sa Balukhali Refugee Complex sa Cox’s Bazar dahil sa umanong tensyong naganap matapos mamatay ang isang aktibista ng Ronghiya.
Samantala, namataan sa nasabing lalaki ang isang baril at patalim (kutsilyo) habang patuloy naman na iniimbestigahan ang naturang krimen. —sa panulat ni Airiam Sancho