Pito katao ang patay at tatlumput isa ang sugatan sa aksidenteng naganap sa San Mariano, Isabela.
Ayon kay Police Lt. Jess Alonzo, deputy police chief ng San Mariano Police Station, nahulog sa bangin ang isang jeep sa Barangay Balagan.
Overloded aniya ang jeep at nawalan ito ng preno kaya nahulog sa ilalim ng sampung metro.
Nakilala ang mga nasawi na si Geoffrey Cajigal, driver ng jeep at mga pasaherong sina John Lloyd Rivera, Carmelita Zalun, Mayolen Gammad, Gina Magusib, Ines Tapaoan at Anacleto Cadiente.
Sa inisyal na imbestigasyon, 15 lamang ang maximum capacity ng jeep subalit umabot sa 40 ang sakay nito na mayroon pang kasamang mga sako ng semento.
Kaagad namang isinugod sa Governor Faustino Dy Sr. Memorial Hospital ang mga nasugatang pasahero.