Pito ang patay habang 32 naman ang sugatan matapos gumuho ang isang bangin sa Brazil.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, sakay ng malaking bangka ang nasa mahigit 50 turista na naglalayag sa Lake Furnas nang gumuho ang isang bangin at bumagsak sa kanilang sinasakyan.
Dito na tumaob at nasira ang naturang bangka kung saan, nalunod ang mga biktima habang patuloy pang pinaghahanap ang nasa 20 pang pasahero.
Ayon sa Brazilian Navy at Local Fire Fighters, ang malakas na pag-ulan ang naging dahilan ng pagbagsak ng naturang bangin. —sa panulat ni Angelica Doctolero