Nasawi ang pitong katao habang aabot naman sa 50 ang bilang ng mga sugatan sa naganap na malakas na pagsabog dahil sa gas pipeline sa Dhaka, Bangladesh.
Dahil dito, nawasak ang tatlong palapag na gusali at maging ang katapat na establisyemento ay napinsala sa pagsabog, ayon sa mga awtoridad.
Sa lakas nito, napinsala rin maging ang bintana ng tatlong dumadaan na mga bus.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng Bangladesh police sa insidente.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico