Umakyat na sa pito ang napaulat na nasawi matapos mahulog sa tulay ang isang pampasaherong bus sa Northwestern Spain.
Ito’y matapos matagpuan ng mga otoridad ang ika-7 bangkay sa Lérez River.
Sinabi pa ng regional authorities na dalawang indibidwal ang nasugatan matapos ang aksidente kabilang ang 63-anyos na drayber at babaeng pasahero.
Ayon pa sa mga otoridad, hindi nakainom ng alak at nag-negatibo sa droga ang naturang drayber ng bus.
Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ilan ang lulan ng bus nang maganap ang trahedya.