Patay ang hindi bababa sa pito katao matapos mauwi sa kaguluhan ang isinasagawang kilos protesta sa Northern Iraq.
Batay sa ulat anim na mga raliyista ang nasawi sa pagpapaputok ng baril ng mga pulis para buwagin ang mga nagkikilos protesta.
Habang isang security officer naman ang namatay matapos makipagbuno sa mga raliyista.
Daan-daang mga empleyado ng pamahalaan ang nagkilos protesta sa bahagi ng Sulaymaniyah City at karatig na mga bayan para ipanawagan ang kanilang sahod na hindi pa naibibigay simula noong Oktubre.