Nasawi ang 7 katao sa leptospirosis sa Bacolod City ngayong linggo.
Batay sa tala ng City Health Office (CHO), karamihan sa 35 ang kumpirmadong kaso ng leptospiros ay galing sa barangay Singcang at nasa edad 21 hanggang 30.
Pinayuhan ni Dr. Grace Tan, CHO sanitation division head ang publiko na huwag sumuong sa tubig-baha bagama’t kung hindi maiiwasan magsuot ng bota at gloves.
Dagdag pa niya, kaagad uminom ng prophylaxis sa loob nang 24 hanggang 48 na oras at magpakonsulta sa doktor kapag nakaramdam ng lagnat at pananakit ng kalamnan higit lalo sa hita.
Nakukuha ang sakit na leptospirosis sa tubig na kontaminado ng ihi ng hayop na may leptospira bacteria. —mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon