Nasawi ang pitong indibidwal matapos pasabugin ang isang minibus sa lungsod ng Herat sa Afghanistan.
Ayon kay provincial hospital head Arif Jalali, kabilang sa mga namatay ang apat na babae.
Samantala, kinumpirma naman ni Taliban commander Mawlawi Ansari na maliban sa mga nasawi ay siyam na iba pa ang nasugatan sa insidente.
Wala pang umaakong grupo sa naturang pag-atake.