Pitong katao ang patay matapos pagbabarilin ng isang lalaki sa isang birthday party sa Estados Unidos.
Nangyari ang insidente bandang alas dose ng madaling araw sa isang mobile home park sa silangang bahagi ng Colorado Springs.
Ang naturang suspek ay ang boyfriend ng babaeng nagdiriwang ng birthday noong araw na mangyari ang inisdente.
Ayon sa mga otoridad, naglakad papasok ang suspek sa loob at pinagbabaril ang mga bisita kung saan matapos pagbabarilin ay binaril rin nito ang kanyang sarili.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga kapulisan ang pagkakakilanlan ng namatay na biktima ang ng suspek. — Sa panulat ni Rashid Locsin.