Patay ang 7 katao habang kritikal naman ang dalawa pa matapos sumabog ang isang bulkan sa western Indonesia.
Patuloy ang ginagawang paghahanap at disaster relief operations ng mga awtoridad sa mga apektado ng pagsabog ng Mount Sinabung sa Sumatra Island.
Ayon kay National Disaster Mitigation Agency Spokesman Sutopo Purwo Nugroho, 9 katao ang tinamaan ng “hot clouds,” 6 umano dito ay binawian na ng buhay habang 3 naman ang kritikal matapos magtamo ng pagkasunog ng balat.
Ang mga biktima ay pawang mga magsasaka malapit sa Mount Sinabung na tinaguriang “red zone.”
Nabatid na ang nasabing bulkan na may taas na 2,460-metre (8,070 foot) ay ang siyang pinakaaktibo sa bansa.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Reuters