Pito ang kumpirmadong nasawi sa serye ng pambobomba sa Somalia sa nakalipas na 24-oras.
Ayon sa security forces, ang unang insidente ay nangyari sa bungad ng bahay ng isang military official sa bayan ng Wanlaweyn malapit sa Mogadishu kung saan apat ang namatay.
Samantala, naganap naman ang isa pang pag-atake sa isang military checkpoint sa bayan ng Bacadweyn sa Galmudug State.
Wala pang umaakong grupo sa mga naturang pambobomba.