Nakauwi na sa bansa ang pitong tripulanteng Pilipino na nakulong dahil sa fuel smuggling sa Libya.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kagabi ay dumating na sa bansa at nakasama na ng naturang mga seafarers ang kanilang pamilya.
Ang nasabing mga Pinoy ay kabilang sa dalawampung (20) mga Filipino crew ng Liberian flagged MV Levant na kinustodiya ng Libyan Coast Guard noong Agosto 2017 dahil sa fuel smuggling.
Nito lamang nakaraang linggo pinawalang sala ng Libyan High Court ang pito at ipinag-utos ang pagpapalaya sa kanila.
Sinagot ng DFA ang repatriation sa naturang mga manggagawa at pinagkalooban pa ng gobyerno ng tig-isang daang libong piso (P100,000) ang mga ito bilang financial assistance.
—-