Hindi na magre-renew ng kani-kanilang accreditation sa Philhealth ang pitong pribadong ospital Sa Iloilo City simula sa unang araw ng 2022.
Sa kabuuan tinatayang aabot sa 895 million pesos ang unpaid claims o utang ng Philhealth sa pitong ospital.
Ayon kay Dr. Danny encarnacion, Presidente at CEO ng Metro Iloilo Hospital at Medical Center Inc., nakapagpasya na ang pamunuan ng mga ospital na tumiwalag sa philheath.
Ani pa Encarnacion, nagkaroon na ng pagpupulong kasama ang state health insurer noong nakaraang linggo ngunit wala naman aniyang nangyari pagkatapos nito.
Dagdag pa ni Encarnacion, simula January 1, tutustusan pa rin ng pitong ospital ang mga miyembro ng Philhealth ngunit hindi na nila ibabawas ang mga benepisyo mula sa state health insurer. — sa panunulat ni Joana Luna