Kinasuhan nang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Manila City Prosecutors Office ang 7 Pulis-Maynila na isinasangkot sa pangingikil sa mga vendor.
Kinilala ni Manila Police District Director Chief Supt Joel Coronel ang mga naturang pulis na sina SPO2 Marvin Veleasquez, SPO2 Rommel Alfaro, PO3 Leo De Jose, PO3 John John David, PO2 Romeo Rosino, PO1 Ronnie Boy Alonzo at PO1 James Paul Cruz.
Sinabi ni Coronel na nahaharap din sa kasong administratibo ang mga nasabing pulis na pawang nakatalaga sa Station 5 at sumasailalim na sa retraining sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng mga vendors sa Ermita na kinokotongan sila ng mga nasabing pulis na maaaring masibak sa serbisyo kapag napatunayang nagkasala.
By Judith Larino |With Report from Aya Yupangco