Pormal nang ipinagharap ng reklamong administratibo sa National Police Commission o NaPolCom ang pitong Pulis na sangkot sa brutal na pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.
Mismong ang anak ng Alkalde na si Mark ang naghain ng reklamong gross misconduct at Conduct Unbecoming of a Police Officer laban sa tanggapan ng NaPolCom laban kina:
- P/Ltc. Harry Villar Sucayre
- P/Maj. Shyrille Co Tan
- P/Capt. Dino Laurente Goles
- P/Lt. Julio Salcedo Amerza Jr
- P/Ssgt. Niel Matarum
- P/Ssgt. Edsel Tan Omega
- Patrolman Niño Salem
Dawit din sa kaso sina Integrity Monitoring and Enforcemet Group o IMEG Director P/BGen. Tomas Frias, P/BGen. Ronaldo De Jesus, Col. Glenn Oliver Cinco at mga sibilyang sina Julius Garcia, Randy Morelos at iba pang John Does.
Paliwanag ng batang Aquino, kaya nila idinamay ang iba pang opisyal ng pulisya ay dahil na rin sa command responsibility.
Giit pa ni Mark, hindi sila titigil hangga’t hindi nila nakukuha ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang ama at desidido silang mapanagot ang mga ito.