Inilagay na sa restrictive custody ang 7 pulis – Pampanga na sangkot sa pagnanakaw at pangingikil sa 3 Koreano sa Angeles City.
Ayon kay PNP o Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa, sinibak na sa kani-kanilang mga trabaho sina PO3 Arnold Nagayo, PO3 Roentjen Domingo, PO2 Richard King Agapito, PO2 Ruben Rodriguez, PO3 Gomerson Evangelista, PO1 Jayson Ibe, at PO1 Mark Joseph Pineda.
Ayon kay Dela Rosa, kapareho ng modus ng mga nasabing pulis ang modus ng grupo ni SPO3 Ricky Sta. Isabel na suspek sa pagdukot at pagpatay kay Korean businessman Jee Ick Joo na taga-Angeles Pampanga rin.
Gayunpaman, hindi pa tiyak kung may ugnayan ang dalawang grupo.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal