Patuloy na hinahanap ng Department of Health (DOH) ang mga pasaherong mula sa bansang South Africa.
Batay sa ulat ng DOH, mayroon pang pitong nawawala na pawang mga returning overseas filipino workers (ROFW).
Ayon sa kagawaran, nagbigay umano ang tatlo ng mga numero ng kanilang agency kung saan hindi naman ito mga personal na numero.
Ang isa umano dito ay nagbigay ng maling numero habang ang dalawa naman ay hindi makontak.
Samantala, patuloy namang nakikipag-ugnayan ang kagawaran sa local government
Units at iba pang katuwang ng gobyerno upang mahanap ang mga nasabing indibidwal. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)