Pito sa sampung mga botanteng Pilipino ang umaasa sa mga political advertisement para sa tulungan silang mag-desisyon para eleksyon sa Mayo.
Ayon sa Bilang Pilipino Social Weather Stations Mobile Survey na kinomisyon ng TV5, 67 percent ng mga respondents ang naniniwalang malaking tulong ang mga political ads para sa kanilang gagawing pagpili sa susunod na lider ng bansa.
Tanging 16 percent lamang ang nagsabing hindi nakakatulong ang mga political ads.
Sa mga sumusubaybay naman sa mga pol-ads, 38 porsyento nito ang nagsabing iboboto nila si Senadora Grace Poe , 26 percent ang kay Davao City Mayor Rodrgio Duterte, 19 percent kay Mar Roxas, 16 percent ang boboto kay Vice President Jejomar Binay at 1 percent naman kay Senator Miriam Santiago.
By Rianne Briones