7 sa bawat 10 Pilipino ang pabor na tuluyan nang ipagbawal ang single-use plastic sa buong bansa.
Ito ay batay sa Social Weather Stations (SWS) survey na kinomisyon ng Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA).
Ayon sa pamunuan ng GAIA, lumalabas na maraming Pilipino ang naniniwalang ang pinaka magandang gawin ay i-ban na ang paggamit ng single-use plastic para makatulong sa kalikasan.
Isinagawa ang survey sa 1,800 respondents sa buong bansa.