Pabor ang pito sa bawat sampung Pilipino na ipagpatuloy at palawakin pa ang ayuda para sa kapos ang kita o AKAP program ng administrasyong Marcos.
Ito ay batay sa resulta ng tugon ng masa nationwide survey ng OCTA Research.
Sa isinagawang face-to-face interview mula January 25 hanggang 31, 2025 sa 1,200 respondents, 69% ang nagsabi na sila ay pabor na ipagpatuloy at paramihin pa ang mga benepisyaryo ng AKAP, isang financial aid program ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang mga pamilyang kulang ang kita para matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan.
Kaugnay nito, 79% naman ng mga pilipino ay alam ang akap: 88% mula sa visayas, 85% sa Mindanao, at 81% sa Metro Manila, isang indikasyon na malaking bahagi ng populasyon ang nakaka-alam sa nasabing inisyatiba.
Ang pagpapalawig ng AKAP ay suportado ng lahat ng socio-economic classes na naitala sa 69%, patunay na kinikilala ang programa anuman ang estado sa buhay. – Sa panulat ni John Riz Calata