Pitong sasakyan ang inararo ng isang 18 wheeler truck sa Boni Serrano Road Brgy. Libis Quezon City.
Kabilang sa karambola, ang naturang truck, apat na kotse, dalawang closed van, isang SUV, at isang AUV.
Dalawa sa mga sasakyang inararo ay nayupi kung saan, mabilis na tumakas ang driver at pahinante ng truck matapos ang aksidente.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, walang naitalang nasawi o nasugatan habang dalawa ang naitalang nasaktan kabilang na ang isang buntis.
Pinaghahanap na ang driver at pahinante ng truck na tumakas matapos ang aksidente.