Pitong Senior Russian officials ang pinatawan ng sanction ng Amerika dahil sa pagkakasangkot sa isyu nang paglason kay opposition Leader Alexei Navalny.
Bukod sa Russian officials pinapanagot din ng Estados Unidos sa insidente ang 14 na negosyong dawit sa chemical productions.
Malakas ang paniniwala ng US intelligence na ang Russian government ang nasa likod ng nerve agent attack kay Navalny sa Siberia nuong nakalipas na taon.
Ipinabatid ni US President Joe Biden na nakipag usanay na sila sa European Union bago ipatupad ang sanction na kauna-unahang inilabas ng bagong US administration laban sa Russia.