Pito (7) pang sibilyan na kinabibilangan ng mga bata ang nasawi sa sunod-sunod na pagpapaulan ng bomba ng Syrian regime at kaalyado nitong Russia sa Aleppo at Hama Provinces.
Ayon sa Britain-based Syrian observatory for human rights, isang araw pa lamang ang nakakaraan nang masawi naman ang 50 katao sa airstrikes ng rehimen at ng Russia sa Northwestern Syria.
Mahigit 30 rito ang nasawi sa isang palengke at karatig na lugar sa Maarat al-Numaan sa lalawigan ng Idlib.
Umaabot na sa 700 sibilyan ang nasawi kabilang ang 170 mga bata mula nang muling umigting ang karahasan sa Syria noong Abril.