Pitong sub-national laboratory sa piling Regional hospital sa buong bansa ang itatatag ng gobyerno.
Layunin nitong makatulong sa healthcare system ng Pilipinas, katuwang ang World Health Organization na magpapadala ng mga kailangang equipment at supplies.
Tinukoy ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang Ilocos Training and Regional Medical Center, Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando, Pampanga;
Western Visayas Medical Center sa Iloilo City; Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu; Zamboanga Medical Center, Southern Philippines Medical Center sa Davao City at Cotabato Medical Center.
Ayon kay Vergeire, bagaman may COVID-19 pandemic ay maiging mabigyan din ng pansin ang iba pang sakit tulad ng measles at rubella.
Akma anya ang mga nasabing Regional hospital na magsilbing sub-national laboratory dahil mayroon ng proseso, sistema at istruktura ang mga ito.