Sugatan ang pitong indibidwal makaraang mabangga ang kanilang sinasakyang jeep sa Barangay Doña Imelda, Quezon City, kagabi.
Batay sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, nabangga ng SUV na minamaneho ng isang Chinese national ang likurang bahagi ng pampasaherong jeep na nakatakda sanang mag-u-turn.
Dalawang pasahero ang tumilapon dahil sa lakas ng impact ng pagbangga.
Sinabi naman ng driver ng jeep na sasagutin ng nakabangga ang gastos sa pagpapagamot ng mga nasugatang indibidwal at maging ang pagpapaayos ng jeep.