Sugatan ang 7 katao habang dalawa rito ay nasa kritikal na kondisyon matapos ang pamamaril sa isang bus sa Jerusalem.
Tinawag ng Magen David Adom o MDA, ang emergency medical services ng Israel ang nasabing insidente bilang “terror attack in the old city.”
Ayon sa Israeli police, hinigpitan na nila ang seguridad sa lugar na hindi kalayuan sa Western wall ng Jerusalem kung saan ang pinakabanal na lugar ng pagdarasal ng mga hudyo.
Samantala, tinutugis na ng awtoridad ang suspek sa naturang pamamaril.