Sugatan ang pitong sundalo matapos maka-engkuwentro ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Echague Isabela.
Ayon kay Northern Luzon Command Head Lt. Col. Isagani Nato tumagal ng halos dalawampung (20) minuto ang nangyaring bakbakan sa pagitan ng militar at mga rebeldeng komunista sa barangay Mabbayad.
Hindi naman aniya matukoy ang bilang ng nasugatan o kung may nasawi sa panig ng mga rebelde.
Kasabay nito, binigyang diin ni Nato na magpapatuloy ang kanilang ikinakasang focused military operations laban sa mga rebelde sa tulong na rin ng pulisya.
—-