Sugatan ang 7 sundalo sa engkwentro ng mga miyembro ng Abu Sayyaf group sa Sulu.
Batay sa ulat, tumagal ng 30 minuto ang bakbakan sa pagitan ng 30 ASG members sa pamumuno ni Hatib Hajan Sawadjaan at ng 1st Scout Ranger Battalion ng Philippine Army sa Sitio Kan Mindang, Barangay Pangdanon.
Bukod sa mga sugatang sundalo, may mga nagtamo rin ng sugat sa panig ng ASG na kanilang kasamang tumakas.
Naging daan ang engkwentro para madiskubre ng mga otoridad ang isang terrorist cell na matatagpuan sa Barangay Panglayahan.