Umarangkada na ang pagdinig sa 7 pinaghihinalaang Islamists na diumano’y sangkot sa pag-atake sa Paris noong nakaraang buwan na ikinasawi ng 130 katao.
Nasa korte na ang 6 sa mga suspek para sa pagbubukas ng paglilitis sa isinampang kaso na terorismo.
Ang mga akusado ay pinaghihinalaan ding bahagi ng network na nag-recruit sa ilang katao na bumiyahe papuntang Syria noong 2013 para makisapi sa Islamic State.
Habang ang pampitong suspek na si Salim Benghalem ay nahuli sa pamamagitan ng international arrest warrant na inisyu noong May 2014.
Si Benghalem ay isa umano sa executioner ng Islamic State sa Syria.
By Meann Tanbio