Sinampahan na ng patumpatong na kaso ng Philippine National Police (PNP) ang pitong itinuturong nasa likod ng pagdukot umano sa mga kabataan sa Cebu nuong 2018.
Ito’y makaraang mailigtas ng pulisya ang 19 na kabataang lumad sa kamay na ni-recruit umano bilang mga child warrior ng New People’s Army sa Talaingod, Davao Del Norte.
Pormal na isinailalim sa inquest proceedings ang nasa dalawang datu, dalawang guro at dalawang mag-aaral na Lumad na nasa hustong gulang na via video conference sa Davao Provincial Prosecutor’s Office.
Kasong kidnapping with serious illegal detention, child exploitation at human trafficking na isinampa ng pulisya laban sa mga suspek dahil sa pagdukot ng mga ito sa mga katutubong batang lumad ng walang paalam sa kanilang mga magulang.
Binigyan naman ng piskaliya ang mga respondent sa kaso ng 15 araw para makapaghain ng kanilang kontra salaysay hinggil sa kasong isinampa laban sa kanila.