Patay ang isang pitong (7) taong gulang na batang babae dahil sa sakit na dengue.
Sa kanyang tweet, ipinabatid ni Dr. Eric Tayag, Assistant Secretary for Policy and Health Systems ng Department of Health (DOH) na severe dengue ang ikinamatay ng bata bagamat hindi naman ito nabakunahan ng anti – dengue vaccine na ‘dengvaxia’.
Sinabi ni Tayag na nagkaroon ng organ failure ang bata dahil sa severe dengue at nasawi ito kahapon.
Hindi naman tinukoy ni Tayag kung saan nakatira ang nasawing bata.
Yesterday while the senate was unearthing facts to sort out the #dengvaxia debacle, I prayed hard so that a 7 year old girl I visited in a hospital will recover from organ failure due to severe #dengue She was unvaccinated She died early today I’m#stopDengue
— Doc Eric Tayag (@erictayagSays) December 11, 2017