Patay ang 7-anyos na lalake nang malason ito sa kinaing tahong sa Carigara, Leyte.
Ito sa kabila ng ipinatutupad na shellfish ban sa Leyte dahil sa red tide.
Dahil dito, mas hinigpitan na ang pagbabantay sa paghuli at pagbebenta ng lamang dagat.
Matatandaang kabilang sa mga apektado ng red tide ay ang ilang lugar sa Capiz, Aklan, Bohol at Western Samar.
Ang red tide ay sinasabing dulot ng mahabang dry spell at pagbabago ng temperatura sa dagat.
By Ralph Obina