Kumpirmadong patay na ang 7-taong gulang na Filipino-British na una ng pinaghahanap ng Department of Foreign Affairs o DFA matapos ang Barcelona terror attack sa Spain.
Kinumpirma ng pamilya ni Julian Cadman na kabilang ang paslit sa 14 na nasawi sa pag-araro ng isang van sa daan-daang katao Las Ramblas, noong isang linggo.
Kasalukuyang nasa intensive care unit ng Hospital de Vall d’Hebron si Jumarie Cadman, ina ng biktima matapos magtamo ng mga sugat dahil sa insidente na ikinasugat din ng mahigit 120 katao kabilang ang 6 na Pinoy.
Nasa Barcelona si Cadman kasama ang nanay para dumalo sa kasal ng pinsan mula Pilipinas nang maganap ang insidente.
By Drew Nacino