Arestado ang pitong katao matapos mahuli sa isang nadiskubreng drug den sa Bacoor, Cavite.
Kinilala ang mga suspek na sina Manuel Aquino Jr. alyas “Boy Tawa”, 52 anyos, Jayson Alperto, 52 anyos, Jonjip Arquinez, 42 anyos, Guillermo Lorca, 50 anyos at Loida Batal, 36 anyos.
Kasama rin sina Mylene Ruda Navarro, 40, at Rachelle Santiago Diocaresa, 37; pawang residente ng Brgy. Molino 4, Bacoor City.
Ayon sa Bacoor Police, sinalakay nila ang bahay ng target suspect na si Aquino matapos silang matimbrehan na halos araw-araw umanong maraming kliyente si Aquino at libre batak sa kanyang tirahan.
Narekober naman sa lugar ang walong transparent plastic sachet na naglalaman ng 15 gramo ng shabu na tinmatayang nagkakahalaga ng 100,000 pesos, tatlong nakabukas na plastic sachet na may mga bakas pa ng shabu, mga drug paraphernalia, isang cellphone at buy-bust money.
Samantala, kasalukuyan nang nakakulong ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. —sa panulat ni Mara Valle