Papalo sa 7 toneladang posters at tarpaulins ng mga kandidato ang nakumpiska ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa kanilang Oplan baklas.
Ayon sa MMDA, marami sa mga binaklas na campaign materials ay nasa mga pampublikong lugar na wala sa common poster area.
Tiniyak ng MMDA na magtutuloy tuloy ang kanilang pagbabaklas sa mga makikitang lumalabag dito.
By: Ralph Obina