Ligtas nang nakauwi sa Pilipinas mula Syria ang pitong trafficking-in-persons survivors.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagpasaklolo sa Philippine Embassy sa Damascus ang mga repatriates bunsod ng naranasang poor working conditions at pang-aabuso sa kamay ng kanilang mga amo.
Tiniyak naman ni DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola na tutulungan ng gobyerno ang mga biktima sa pagsasampa ng reklamo laban sa kanilang mga employers.