Umaabot na sa 70 bakuna sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dine-develop sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon kay Director General Eric Domingo ng Food and Drug Administration (FDA), sa kanilang pagtaya, pinakamaaga nang paglabas ng bakuna kontra COVID-19 ang bago matapos ang taon.
Samantala, patuloy anya na sinusubukan ng Department of Health (DOH) ang mga donasyong gamot kontra COVID-19 na kabilang sa solidarity trial na ginagawa ng World Health Organization (WHO).
Halimbawa po itong Hydroxychloroquine na gamot sa malaria, pero ngayon sinusubukan against COVID-19 (…), so, ‘pag ginagamit po ‘yan ng Department of Health, ‘yan po ay tinatawag na off-label use. Kapag ganito pong ginagamit, kailangan po ay mayroong full informed content ng pasyente atsaka dapat alam niya kung ano’ng possible effects nito,” ani Domingo.
Ayon kay Domingo, maging ang Remdesivir na napaulat na aaprubahan na ng U.S. FDA ay hindi pa talaga napapatunayang epektibo kontra COVID-19.
Pag po approved naman na ng ibang FDA na mature country, mas madali naman pong ipa-approved dito sa atin, pero hindi po automatic iyon, kailangan pa rin naman pong mag-apply at magrehistro sa atin. Ito pong Remdesivir, of course until now, (…) hindi pa rin po conclusive ‘yan, it’s still an investigational drug,” ani Domingo. —sa panayam ng Ratsada Balita