Tinatayang 70 balyena ang natagpuang patay sa southern Chile.
Ayon kay National Fisheries Director Jose Miguel Burgos, ang mga na-recover nilang mga patay na balyena ay pareho rin ng mahigit sa 300 patay na balyenang natagpuan nila noong nakaraang taon.
Batay sa paunang pagsusuri ay posibleng dalawang buwan na umanong patay ang mga balyena bago sila naanod sa pampang.
Subalit dahil buo pa ang mga labi ng mga balyena, mas magiging maayos na ang otopsiya na isasagawa sa mga ito at matukoy ang sanhi ng kanilang kamatayan.
Matatandaan na hindi halos nasuri ng mga eksperto ang mga natagpuang patay na balyena noong nakaraang taon dahil halos na aagnas na ang mga ito subalit hinihinalang bunga ng red tide o nakalalasong algai bloom ang dahilan ng kanilang kamatayan.
By Len Aguirre
Photo Credit: AFP