Sumasailalim na sa fumigation sa Subic ang halos 70 container ng basura smula sa Canada bago ibalik ang mga ito sa nasabing bansa.
Ipinabatid ito ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na nagsabi ring nuong araw ng Linggo dinala sa Subic ang mga nasabing basura.
Sa kaniyang twitter account ay nag post si Locsin ng litrato ng isang kinatawan ng Canada na nakatutok sa fumigation bago maibalik ang mga basura sa pinanggalingan nito sa Canada.
Una nang inihayag ng Canadian government na nakapili na ito ng kumpanyang magbabalik ng mga nasabing basura sa Canada at ang proseso anito ay inaasahang maku kumpleto sa susunod na buwan.