Nag negatibo sa ASF o African Swine Fever ang 70 blood samples na ipinasuri ng Department of Agriculture Region 2 sa Bureau of Animal Industry noong nakalipas na linggo.
Ayon kay Dr. Roberto Busania, Regional technical director for operations and extension ng D.A-Region 2, nagduda sila dahil nagkasakit at namatay ang ilang alagang baboy sa Nueva Vizcaya lalo’t pareho ang ilang sintomas ng hog cholera at ASF kayat minabuti nilang kunan ng blood samples ang mga ito.
Dahil dito, tiniyak ng D.A Region 2 na ligtas ang mga baboy sa rehiyon bagamat nangangamba silang maharap sa kakulangan ng supply ng baboy ang rehiyon dahil hindi pa pinapayagang makapasok ang mga mula sa ibang rehiyon.