Ipinatupad na Maritime Industry Authority (MARINA) ang 70% kapasidad sa loob ng mga barko.
Ito ang kinumpirma ni MARINA Administrator Vice Admiral Robert Empedrad, kung saan aprubado na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang karagdagang kapasidad mula sa 50% kapasidad lamang.
Ayon sa MARINA, sa ganitong paraan ay unti-unting makakabangon ang mga kumpanyang nalugi at muli nang maiaangat ang ekonomiya ng bansa.
Sa kabila ng karagdagang mga pasahero ay mahigpit pa ring paiiralin sa mga barko ang minimum health standards upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.—sa panulat ni Angelica Doctolero