Target ng Department of Health na mabigyan ng kahit isang dose ng COVID-19 vaccine ang 70% ng 5.3M eligible population ng Ilocos Region sa Marso.
Batay sa pinakahuling monitoring report mula sa DOH, nasa 3,531,273 o 66% ng target population sa rehiyon ang nakatanggap na ng isang dose ng bakuna.
Habang nasa 56% naman o 3,184,931 na indibidwal ang fully vaccinated na.
Plano rin ng rehiyon na simulan na ang COVID-19 vaccination rollout sa February 14 sa mga batang edad 5 hanggang 11.