Tinatayang pitumpung (70) empleyado ng Department of Finance o DOF ang isasalang sa lifestyle check sa mga nalalabing araw ng taong ito.
Ayon kay Finance Undersecretary Bayani Agabin, iimbestigahan ng Revenue Integrity Protection Service (RIPS) ang mga empleyadong bumili ng real estate at personal properties.
Sinabi ni Agabin na nakakapagtaka ang isang empleyado nilang iniimbestigahan na nakabili ng lote sa halagang P150,000.00 noong 1997 gayung ang suweldo nito ay P126,000.00 lamang.
Ipinabatid ni RIPS Executive Director Gilberto Espinosa na sampu pang personnel ang inilagay nila sa lifestyle check kada buwan.
Kaagad naman nilang ifo – forward sa Ombudsman o Civil Service Commission (CSC) ang mga kasong nangangailangan ng resolusyon o dagdag pang imbestigasyon.