Papalo na sa 70 katao ang namatay sa Kentucky matapos tumama ang isang ipo-ipo sa ilang bahagi ng Central at Southern America.
Tumama ang naturang ipo-ipo sa candle factory habang nasa higit 100 katao ang nasa loob nito.
Sinabi ni Kentucky Governor Andrew Graham Beshear, ang nangyaring insidente ay isa umano sa ‘toughest night’ sa Kentucky history.
Ito na aniya ang ika-30 tornadoes na naireport sa anim na states sa kanilang bansa.
Isa raw sa mga pinakanapinsala ay ang sites sa Southwestern Kentucky City ng Mayfield.