Mahigit 70 katao ang nasugatan na karamihan ay mga estudyante sa salpukan ng dalawang tren sa Cagliari, Italy.
Sa ulat ng Rai State Television, ihahatid sana patungong eskwelahan ng isang tren ang grupo ng mga mag-aaral nang mangyari ang aksidente.
Kabilang sa mga nasugatan at isinugod sa ospital ay ang driver ng isang tren na na-trap sa train plates.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang pangyayari.
By Jelbert Perdez