Aabot sa halos 70 katao ang na-trap sa isang gumuhong hotel sa Fujian Province, China na ginagamit bilang coronavirus quarantine area.
Nagcollapsed ang gusali kagabi kung saan 34 na indibidwal ang na-rescue makalipas ang dalawang oras.
Binuksan ang naturang hotel noong June 2018 na mayroong 80 kwarto at syang ginamit ngayon na quarantine area matapos ang nangyaring coronavirus outbreak.
Wala pang impormasyon kung ano ang dahilan ng biglang pagguho ng hotel.
Nagpadala na umano ng working team sa pinangyarihan ng insidente ang komite na siyang responsable sa safety ng gusali sa ilalim ng state council ng China.